Paano Mo Na Magagawa Na Mapansin Ang Posts Mo?

ignoredWala bang pumapansin sa mga posts or ads mo? Yung tipong nagpo-post ka naman sa 1million group pages per day pero wala ka pa rin nakukuhang Sales? =) Kahit inquiries man lang ay wala din?
Kung Oo ang sagot mo, then you need to continue reading my today’s blog post dahil ituturo ko sayo ngayon kung ano muna ang dapat mong gawin bago ka mag-post para malaking na ang chance na mapansin ang posts or ads mo lalo na sa mga group pages.
Familiar ba sayo ang ganitong klase ng post?
attention all post
Large majority ng mga Marketers ay ganyan klase ng posts ang ginagawa. Wala naman masama dyan pero malamang na hindi yan mapapansin at hindi yan makaka-kuha ng attention ng mga members sa group pages. I will explain it later!
Bago ka gumawa ng sunod mong mga posts, make sure to do this first…

Identify Your Target Market!
It’s VERY IMPORTANT to identify your target market first, dahil kung hindi mo alam ang target market mo, you are basically marketing to everyone. And if you are marketing to everyone, then You Are Actually Marketing to No One!
Yan ang reason kung bakit ko nasabi na malamang ay walang pumansin at hindi maka-kuha ng attention yung sample post na pinakita ko sayo kanina. He’s calling almost all the people in the world. Employees, unemployed, students, ofw… Lahat na yata ng klase ng tao ay tinawag na niya para sa offer niya. Remember, if you are marketing to everyone, you are marketing to no one!
target missed arrows
Kapag wala kang inaasinta, siguradong wala kang tatamaan!
That’s why it’s very important to identify your target market first bago ka mag-post ng mag-post. Once alam mo na kung sino or anong klase ng tao ang target market mo, then that’s the time na magpost ka na ng mga ads mo with messages talking directly to your target market.
In that way, makaka-relate ang market mo sa mga words or messages na pino-post mo. At kapag naka-relate sila, siguradong mag-standout ang posts mo sa mata ng market mo. At kapag nag-standout ang posts mo, mapapansin ka nila at titingnan na nila ang presentation ng offer mo. At kapag maayos at effective ang presentation mo, then makaka-kuha ka na ng mga inquiries at ang pinaka-importante ay makaka-kuha ka na rin ng SALES!
Conclusion…
Hindi importante na makapag-post ka sa 1 million group pages. (1 million talaga noh. hehe)
Ang importante ay magawa mong makuha ang attention nila sa post mo because it’s not about how many group pages you are posting… it’s all about what you are posting in order for them to check it out!
May natutunan or realization ka ba ngayon sa blog post ko? Kung meron, please comment below and share your thoughts. I love to hear from you as well.

Jerome Villarba

Popular posts from this blog

Gaano Ka Importante Ang Sistema Sa Negosyo?

Bakit Ayaw Kumilos Ng Downlines Mo?