Paano Mag Invite Ng Maayos Thru FB Chat?

Madami bang naiinis sayo dahil panay ang tag mo sa facebook friends mo?

annoyed face
Madami din bang naaasar sayo dahil panay ang pag-send mo ng mga private messages sa ramdom facebook friends mo para ipakita sa kanila ang video presentation ng business mo?
If Yes, then here’s my recommendation pagdating sa pag-invite sa mga facebook friends mo na tingnan ang presentation ng business mo.

Do it the ethically and do it the right way!
Yung hindi sila maiinis dahil sa pag-spam mo sa kanila.
Yung hindi rin sila maaasar dahil pinagpipilitan mo ang business mo sa kanila.
So here’s how…
Mas ok sana kung makipag-chat ka lang muna sa prospects mo.
Wag mo muna i-offer yung business mo.
build rapport
Make A Connection or Build Rapport First!
(kahit matagal mo na siya kilala)
Mas effective kasi kung makipag-usap ka muna sa kanila at maging palagay ang loob nila sayo.
Kapag na-feel mo na may connection na kayo, it’s time to make your offer.
Pero wag din naman agad yung the usual “Meron-Akong-Business-Ngayon-Baka-Interesado-Ka” Approach.
Again… do it the right way!
At ito ang 5 Steps na suggestion ko:

Step 1 – Ask your prospect kung ilan oras siya online sa facebook.
Example:

You: “Nga pala [Prospect’s Name], ilan oras ka nasa facebook every night bago ka matulog?”
Prospect: “minsan 2 hours, minsan 4 hours… bakit mo naitanong?”

Step 2 – Ilan oras man ang sagot ng prospect mo… Tell him/her na yung oras na binibigay niya sa fb ay pwede na rin niya pagkakitaan sa panahon ngayon.

Example:
You: “Ah ok. Enough pala yung time na binibigay mo sa facebook [Prospect’s Name]. Pwede na rin kasi ngayon kumita sa tulong ng facebook. Open ka bang tingnan yung details?”
Prospect: “Really? Paano ba yun?”

Step 3 – Ask him/her kung may time ba siya at kung hindi pa ba siya maglolog out.
Kasi meron ka kamo na isesend na video or link para mapanood niya yung details kung paano din siya kikita using facebook or internet.
But Take Note! Kapag sinabi niya na busy siya or malapit na siya maglog out, wag mo muna ipadala yung link mo.

Ask him/her kung kelan na lang siya hindi busy para don niyo na lang pagusapan yung details.
Example:

You: “Mamaya ka pa ba maglolog out? Hindi ka ba busy ngayon? Kasi kung may oras ka pa [Prospect’s Name], isesend ko sayo yung link para mapanood mo yung video containing the complete details ng sinasabi ko.”

Prospects: “Actually, malapit na ko maglog out. Matutulog na kasi ako, maaga pa work ko bukas eh. Send mo na lang yung link, bukas ko na lang titingnan.”

You: “Ah ganon ba. Sige [Prospect’s Name], ok lang. Alam ko naman maaga ka pa gigising bukas. Usap na lang ulit tayo bukas. OK lang ba sayo ganitong time din or mas maaga para may enough time tayo na pagusapan yung details?”
Basically, ang ginagawa mo ay parang nakikipag-set ka sa kanya ng appointment kinabukasan para mapag-usapan niyo ulit yung details ng sinasabi mong kitaan sa kanya.
PERO kapag sinabi naman niya na may time pa siya at hindi pa naman siya maglo-log out, then pwede mo nang i-send sa kanya yung video or link mo.

Example:

You: “Mamaya ka pa ba maglolog out? Hindi ka ba busy ngayon? Kasi kung may oras ka pa [Prospect’s Name], isesend ko sayo yung link para mapanood mo yung video containing the complete details ng sinasabi ko.”
Prospect: “Sige ok lang send mo na ngayon, wala naman ako ginagawa. Tingin tingin lang ng mga posts kaya may time ako panoodin yan.”

Step 4 – Simply send him/her your link and then tell him/her to get back to you once matapos na niya yung video.
Example:

You: “Ok. Ito yung link [Prospect’s Name] – http://www.YourWebsite.com or http://www.YourYouTubeVideo.com Let me know na lang kapag natapos mo na panoodin ah. Thanks. Enjoy! =)”

Step 5 – Hayaan mong mapanood niya yung buong video.
Wag kang message ng message sa kanya every minute asking him/her kung tapos na ba siyang manood.

Give him/her time para maka-focus sa video mo.

Kapag nagreply na siya sayo informing you na tapos na niya panoodin… then i-apply mo yung mga trainings na tinuturo sayo ng uplines mo para ma-invite mo sila sa office niyo.

Let’s say 30 mins ang video mo.

Pero 45 mins or 1 hour na ay hindi pa rin siya nagmemessage sayo, then pwede mo na siya i-follow up at itanong mo kung natapos na ba niya yung video!

From there, yan na yung chance mo to start inviting him/her to your office para personal siyang maka-attend ng business orientation niyo.
Good Luck! Sana makatulong sayo itong suggestions ko!

Please don’t forget to post your comment kung may questions ka or kung may suggestions ka rin na gusto mong idagdag or i-share.

I love to hear from you as well.


Kung gusto mo pa matuto about FB marketing, PM me anytime

Popular posts from this blog

Gaano Ka Importante Ang Sistema Sa Negosyo?

Paano Mo Na Magagawa Na Mapansin Ang Posts Mo?

Bakit Ayaw Kumilos Ng Downlines Mo?