Bakit Ka Mas Pipiliin ng Prospect Mo?


Sa dami-dami ng products na kapareho mong beni- benta, sa dami-dami ng mga crosslines mo sa ‘yong network marketing company.  Bakit gugustohin ng prospect mo na sumali at bumili sayo?
Ito yung tanong na dapat mong masagot kung gusto mong mag grow yung business mo. “Bakit sila bibili at sasali sa akin”? Anong meron sa akin na wala sa kakumpetinsya ko.
Kung dumating yung punto na natanong muna to sa sarili mo, good nasa tamang direksyon ka partner.
Sa totoo lang, madaming rason kung bakit bibili at sasali sayo yung prospect mo. Pero ito yung kaylangan mong tandaan. People will only buy or join, if they know, like and trust you. Period.
KNOW, LIKE and TRUST. Itong tatlong words nato yung kaylangan mong maintindihan para mag grow yung business mo.
 .
Ganito kasi, sino bang tao na maglalabas agad ng pera kung hindi nya pa  kilala? Malamang ganun ka din, lalo na ngayon madalas tayong makapanood sa TV tungkol sa mga nabiktima ng scam.
Kaya yung unang turo sa atin pagka sali sa network marketing ay kausapin at alokin yung mga KKK (kakilala, kaibigan, kamag-anak) natin, dahil kilala na tayo at mostly may tiwala na sila sa atin. Ito yung madaling paraan para makapag produce agad ng resulta lalo na mga new bloods.
Ngayon alam muna na bibili at sasali lang pala yung prospect mo if they KNOW, LIKE and TRUST you.
What’s next?
Dito na papasok yung marketing strategies na ginagawa mo.
Ito yung malaking tanong..
Yung mga marketing strategies ba na ginawa mo ngayon ay para mas makilala, magustuhan at mag tiwala yung prospect mo sayo? O para mas makilala yung MLM company mo?
Make sense ba?..
Sa nakikita ko ngayon, maraming mga networker na mukang bibig nalang lagi na we have the best company, we are pioneer, best complan, best product, etc.
Please don’t get me wrong, ..products, complan and company are also important. Bonus nalang sila.
But you have to promote yourself first rather than your company.
Bakit?
Eh kasi nga, pag yung company lang yung pino-promote mo, you also promoting your’re competitors. Yung mga crosslines mo, aminin mo man o sa hindi, sila ay  mga kakumpetinsya natin. Yun ang totoo.
Isa pang bagay kung bakit kaylangan unahin mong i-promote yung sarili mo kaysa company mo. Dahil sa sinabi ko sayo kanina “ People will only join, if they KNOW, LIKE and TRUST.
Paano mo magawang magtiwala yung prospect sayo kung ang binibida mo ay yung company mo.
Remember, people don’t join a business, they join you.
Hindi naman yung company mo yung nakipag usap sa prospect kundi ikaw kaya sumali sila dahil sayo.
Alam ko malaking revelation to para sayo na posibleng hindi mo paniwalaan.
It’s up to you..I’m not writing this post to convince people.
Kaya ko sinulat to dahil gusto ko lang i-share yung mga nalalaman ko na nagpabago sa business ko.
There you go..This why people buy in my opinion and experienced.
Anong masasabi mo sa bagong natuklasan mo? Pwede mong iwan yung sagot mo sa baba.

To Your Success,




PS: Kung hindi mo pa alam ang 10 Step para kumita ka sa internet, Click Here.

Comments

Popular posts from this blog

Paano Mo Na Magagawa Na Mapansin Ang Posts Mo?

Bakit Ayaw Kumilos Ng Downlines Mo?

Gaano Ka Importante Ang Sistema Sa Negosyo?